Add parallel Print Page Options

30 Nang matanggap ni Jesus ang suka[a] ay sinabi niya, “Natupad na.” At itinungo ang kanyang ulo, at siya ay namatay.[b]

Inulos ang Tagiliran ni Jesus

31 Sapagkat noo'y araw ng Paghahanda, upang maiwasan na ang mga katawan ay manatili sa krus sa araw ng Sabbath (sapagkat dakila ang araw ng Sabbath na iyon), hiniling ng mga Judio kay Pilato na baliin ang kanilang mga binti at sila'y alisin doon.

32 Kaya't dumating ang mga kawal at binali ang binti ng una at ng isa pa na ipinako sa krus na kasama niya.

Read full chapter

Footnotes

  1. Juan 19:30 o maasim na alak .
  2. Juan 19:30 Sa Griyego ay ibinigay ang kanyang espiritu .